Monday, June 15, 2009

KAHIBANGAN


Bakit kaya ang buhay ganito kung kelan mong gustong kalimutan ang lahat saka naman bumabalik ang nakaraan. Unfair di ba? Masakit !! Sinasabi mong okay ka pero sa kaibuturan naman ng iyong puso hindi eh,nandun pa din ang ala- ala. para kang mabubuwang na patiwari gusto mong takasan ang lahat, bakit ganito?

Nilulunod mo ang iyong sarili sa mga kaibigan online,maski pagbblog ginawa mo na rin. nakamaskara ka nga ba? Di ba nung una okay ka na. wala na yung sakit? Bakit ngayon umaatungal ka pa? okay ka lang?

Makinig ka naman tama na kahibangan mo, makinig ka sa mga kaibigan mo, lumabas ka, mag ayos ka, huwag kang magmukmok , mahalin mo ang sarili mo. Di lang cya ang lalaki sa mundo. He is not your lost, lumabas ka sa comfort zone mo, you are just wasting your time thinking of him! Me napala ka ba sa kakaisip sa knya? Iniisip mo kung okay lang ba siya, pano na ang kanyang business, pano na ang kanyang health, inuubo pa rin ba cya palagi, natutuyuan ng pawis kasi walang aircon, lintik na buhay to!! Natanong mo ba sa sarili mo kung naisip ka rin nya?

Yan isa pa hinahanap mo pa rin ba ang tawag nya, ang text nya? Nasanay ka na kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos, walang palya kung siya ay magparamdam. Titigan ang celfon , mahihiga, titignan ang oras, nakaprogram na yan sa sistema mo sa haba ng panahon na ikaw ay nag ilusyon na kayo in the end. Ganito ba talaga kung ikaw ay umiibig?

Teka pag- ibig nga ba talaga to o nadala ka lang sa sitwasyon? Mahirap maipaliwanag , mahiwaga talaga ,walang eksaktong explanation kumbaga lusong ka na lang, mag ingat lang kung hindi ka marunong maglaro talo ka, at least pag natalo nasubukan mo naman,

Teka, teka nakatulong ba to sa pagkatao mo? Me natutunan ka ba o kaya tanga ka lang talaga? Nagbubulag bulagan maski alam na ang katotohan...
Mag isip ka, tama na ang kahibangan mo. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo!! Maski anong payo ang gagawin sayo kung di ka naman makikinig, wala ding mangyayari ..sarili mo ang kasagutan, wala ng iba pa!! PARA KANG SIRANG PLAKA.. PAULIT ULIT!!

1 comment:

 
shirlamar's nook © 2009 Recoded By: Grace Ola Draper